Apoy
Dumaan ako sa madilim na gubat
Ang buong mundo ay laging nagugulat.
Matalim na mata'y biglang iminulat
Parang ang puso ko itong nagkasugat.
Hindi man lamang nagtago at lumayo.
Isa nga siguro akong gamo-gamo.
Kahit pakpak pa ang maging sakripisyo
Patuloy na magpapadala sa bisyo.
Sabay sa pagyakap ng luha sa damo
Patuloy na masusunog ang mga bato.
Kaya kong limutin ang mga paru-paro
Makinig sa awit ng kabilang dako.
Nasa guni-guni man ang lumipad
Kahit hindi ito ang tunay na hangad
Dapat pa ring ipakita ngiting huwad
At tuklasin kung bakit nga ba naglalahad.
*ang unang title nito ay flareon. sinulat ko ito, para sana ibigay sa isang tao kaso hindi nya ata nagustuhan. hayyy.. un na lang muna.