Sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso o valentine’s day karaniwan nang nagbibigay ang kalalakihan ng bulaklak at sulat sa kanilang napupusuan. Makalilimutan din ba naman natin ang makahulugang tsokolate?
Aminin man natin o hindi ang tsokolate ay isa sa paboritong pagkain ng mga babae. Nakatutulong din itong patalasin ang isip ng tao. Ngunit, munting paalala; anumang sobra ay masama kaya dapat din tayong maghinay-hinay.
Hindi ko rin tuloy mapigilang magunita ang alaala ng isang pirasong tsokolate sa aking buhay:
Araw ng mga puso sa silid-aralan naming noon at abala ako sa paggawa ng isang takdang aralin na hindi ko natapos gawin sa aming bahay. Laking gulat ko nang tinawag ako ng aking mga kamag-aral dahil daw may naghahanap sa akin. Labis akong nagtaka at kinabahan.
Sumambulat sa akin ang lalaking nakilala ko dalawang buwan ang nakararaan mula ng araw naiyon. May inabot siya sa akin pagkatapos ay sinabing, “naalala kita kasi ikaw ang unang bumati sa aking sat et ng happy valentine’s day” nadismaya ako ngunit nasabik na buksan ang bigay niya.
Isang tsokolate, babyruth ang nakasulat sa wrapper kinain ko ito sa bahay at inignora ang kanyang sinabi. Mahalaga sa akin ang taong nagbigay sa akin ng kapirasong tsokolate noong araw ng mga puso kaya iningatan ko at itinago maging ang wrapper.
Anuman an gating kalagayan, palagi pa rin nating alalahanin ang pag-ibig at paggalang sa ating kapwa, araw man ng mga puso o hindi. Ano ang malay natin baka bigla lang tayong panain ng tsokolate ni kupido?
No comments:
Post a Comment