Sunday, March 21, 2010

Pag-asa mula sa wala

Hanggang kalian ba tayo dapat umasang gagantihan ang pagmamahal na inalay natin para sa isang tao? Paano kung sa isip mo’y nagawa mo na ang lahat ngunit para sa kanya’y hindi pa pala ito sapat? Hihigitan mo pa ba ang lahat para lang maging karapat-dapat?

Minsan sa aking buhay naranasan ko ang magmahal nang higit sa kaibigan. Ang una kong pag-ibig at sa kalauna’y nagnakaw ng aking kabataan dahilan para mawalan ako ng pag-asa at masira ang mga nasimulan ng isang tulad ko.

Dumating siya, o pinarating sa aking buhay at binigyan ako ng liwanag na may kasamang positibong pag-iisip. Ang lalaking pinapasaya ako kahit gamit lamang ang kanyang mga ngiti at kapag binigkas niya ang aking pangalan, pakiramdam ko’y nasa rurok na ako ng tagumpay.

Sa pagdating ng lalaking minahal ko nang husto, may kasama sya. Ang babaeng minahal nya na hinding-hindi ko maaaring maging kaibigan at mapapantayan sa puso nya. Ngunit, ang babaeng un, hindi nya pinahalagahan ang pagmamahal ng lalaking minahal ko nang husto.

Nagdusa ang lalaking mahal ko dahil sa sakit na dinulot ng mahal nya nang iwan sya nito. Naroon ako, upang damayan xa at bawasan ang kanyang kalungkutan. Kahit na maging tagapakinig lamang ako ng kanyang mga hinaing.

Sya ang nagbibigay ng lakas sa akin tuwing mahina ako. Kung sa nobelang sinulat ni Cristobal Cruz na ‘ang Tundo man ay may langit din’ si Victor ay natagpuan ang langit kay Alma . Ako naman ay sya ang langit sa mundong aking binuo.

Pagdating sa kanya. Hindi ako naging ‘showy’ bagkus sinasabi ko ang aking nararamdaman. Natatandaan ko pa nga nang ako’y magtapat sa kanya, tinugon lamang nya ito gamit ang salitang salamat. Hindi ako naghintay ng kanyang pagganti sa aking damdamin. Bagkus, pinili kong maging kami ay magkaibigan.

Sa kabila ng pagtitiis ko, nagawa nya pa rin akong iwan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang biglaan nyang pagkawalasa aking buhay. Ang masakit pa’y waring sya pa ang namuhi sa aking at sinabihan nyang ako ay panggulo lamang sa kanyang buhay. Labis akong nadaktan ngunit may bahid ng katotohanan ang kanyang tinuran.

Subalit, sa kabila ng kanyang ginawa, minamahal ko pa rin sya at hinahanap pa rin ng aking puso ang kanyang pagkalinga. Kaya, sa lahat ng nakakikilala sa amin, sa inyong palagay, dapat ba akong umasa na babalik ang nawala kong pag’ibig? Na mamahalin dinnya ako sa paraang gusto ko?

No comments:

Post a Comment