Huwag kang bumitiw
Sa sangang kikisaw-kisaw.
Pilitin mong lumaban
Kahit na sobrang nasasaktan
Huwag magpadala sa hangin
At sa ulang nangingikil
Manatili kang luntian!
Berdeng kulay huwag pabayaan.
Dahil kapag ikaw'y bumagsak
Lahat ng pangarap mawawasak
Matutuwa si lupang hungkag!
Nyarp -- isang photo-journ term na nangangahulugang malabo at magulong litrato. Ganito ang buhay ko at maaaring ganoon din ang buhay mo. At ito ang laman ng blog na ito. Ang magulong buhay ng isang malabong taong gaya ko.
Wednesday, August 04, 2010
baba-e
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng aking mga luha. Mga luhang lagi ay nais kumawala sa aking mga mata. Manggagamit. Puta. Traydor. Halimaw. Madalas nilang ibansag sa akin dahil sa aking katayuan sa buhay.
Ngunit, sa haba ng panahong namuhi ang mundo sa akin wala man lang ni isang nag-abalang magtanong kung bakit ito ang pinilo kong landas.
Produkto ako ng isang sirang tahanan sa Pilipinas. Iniwan kami ng aking ama sa isang babae at hindi nagtagal nag-asawang muli si ina. Nag-iisang anak at wala pang muwang sa edad na walo. Napakabata ko pa noon pero hinding-hindi ko malilimutan... nang una akong pagsamantalahan ng aking amain. Napakasakit ng naranasan ko, pisikal at emosyonal akong nawasak. Wala akong ibang magawa noon kung hindi umiyak, kung minsan nga ay inuuntog ko ang ulo ko sa pader, nagbabaka-sakaling bangungot lang ang lahat at magising ako.
Nagsumbong ako kay ina pero nagkibit-balikat lamang siya. Pakiramdam ko ng mga panahong iyon ay tinalikuran ako ng buong mundo. Apat na taon akong nagtiis hanggang sa may naisip akong paraan.
Tumakbo ako. Sinubukang tumakas. Pumunta ako sa bahay ng aking ama at doon tumira. Hindi ko sinabi ang mga naranasan ko dahil sa takot. Ang babaeng pinagpalit sa amin ni ama ay dating puta. Kapag nasa malayong lugar si ama para magtrabaho, binubugaw niya ako. Hindi ko lubos-akaling ang isa ay aabot sa dalawa, tatlo at hanggang sa hindi ko na mabilang pa.
Tumakas akong muli Ito lang naman ang alam kong gawin, ang tumakas, tumakbo patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan, Wala akong mapuntahan, wala akong maituturing na 'kaibigan', sinubukan kong maghanap ng trabaho pero katawan ko lang ang nais nila.
Ginamit ko ito; katawan, alindog at ganda, ano pa nga bang mayroon ako kung hindi ito lang. Madalas akong magbuntis pero palagi kong pinapalaglag. Ayoko ng responsibilidad lalo na kung hindi ko rin lang mapaninindigan. Isa akong puta at ayoko nang dagdagan pa ng salitang 'ina'. Marami na rin akong nasirang tahanan at mga babae' batang nawasak ang buhay. Halimaw nga siguro ako.
Marami akong naging kostumer na nangakong ibibigay lahat para sa akin, makamit ang pag-ibig ko. Pag-ibig? Pwe! Pag-ibig ang sumisira sa buhay ng tao at sa buhay ko.
Ginamit nila ang katawan ko kaya gagamitin ko rin ang pera nila na kung tawain ko ay pag-ibig. Pumasok ako sa trabahong ito hindi para makahanap ng taong magliligtas sa akin, hindi na ako umaasa pa at sukang-sukang na ako sa damdaming naging dahilan ng aking kasawia. At mas lalong hindi ko pinatulan ang trabahong ito para yumaman at tuparin pa ang mga pangarap ko. Para sa akin, ang tao ay nabubuhay lamang para hintayin ang kanyang kamatayan kaya mamamatay ako sa ganitong klase ng trabaho. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang pangarap ko.
Isa akong mababang uri ng babae, mababa ang pagtinging pinupukol ng lipunan at mababa ang pagtingin sa sarili. Walang pamilya, walang kaibigan at walang nagmamahal.Ganu'n lang ang ang nararapat sa akin.
Umiiyak ako hindi dahil sa aking kasawian o sa aking nakaraan. Umiiyak ako dahil sa wakas malapit na ang aking kamatayan, luha ito ng kaligayahan... dito sa loob ng isang ospital dahil sa sakit na AIDS.

Sunday, July 18, 2010
"not like the fairytales"
I don’t believe in fairy tales, especially in a happy ending theme of a story because I can’t consider my life as a fairy tale that will end in a happy ending. Pessimistic, isn’t it? But in my own story there were a lot of characters.
I came from a broken home in a family that was always been a mess. There was still hatred but I always cope up and tried to see the things beautifully. I am a realistic one. I’ve been through a lot of ups and downs in life and it made me stronger. Treasure happy times and treat those bad times as a lesson to remember.
Also, I don’t believe in a “knight in shining armor” because I am the only one responsible to myself. That’s my principle and perception in life. I am an unpredictable person, madcap, and complicated to understand. I have a lot of weird perceptions but I know that it is the reality. I always show to other people my smile but the truth is I am a crying lady. I sometimes cry even in little thingd though I stand out for what I know is right.
Philosophically, one of my strengths is my true friends, those people that if ever, I considered as fairy and my greatest achievement because finding true friends is the hardest thing to have in this world. But, for me, my strengths or talents are having these creative hands that are good in art. I am a good writer, I can draw and also play the piano. My weakness is those people that I valued the most, they are my kryptonite. I can still remember when my grand father died, I felt that the world stopped and my life was no reason at all. That’s when I started to take things negatively but still in reality. One of my weaknesses is my confidence. I admit it, I am not confident at all though I act and talk to my friends like a secured person.
Whenever my friends or board of trustees have time to meet me, I always ask them of what they think of me and if I have changed in the time they had known me. My friends are the most important characters in my life, mostly, to happy ending every primary character dreamed of. They always view my image as a stubborn one, sensitive, complicated, kind, childish, and most of all crazy.
I don’t believe in fairy tales and I’m not searching for a prince to have a happy ending because I don’t want to be a princess but instead a witch. All I want or my goal is to be successful in my career and fulfill those dreams of my grandfather that he did not.

Saturday, March 27, 2010
"Walk-Out Queen"
Ayan na sya.
Ayan na si walk-out queen.
Nakakunot na naman ang noo. Nakasimangot. Parang hindi marunong ngumiti.
Tara nang magtago. Umiwas. Lumayo.Baka mapagbuntunan pa tayo ng galit nya. Sino ba namang may gustong masungitan?
Kilalang-kilala ko sya.
Hindi ako maaring magkamali. Wala na syang matuturing na "tunay" na kaibigan. Lahat kasi pinagtabuyan nya, kung hindi naman ay naubos ang pasensya at iniwan sya.
Gusto nya lang ng makaiintindi sa kanya kaya lang sobrang hirap nyang maintindihan, kasi kahit minsan hindi rin nya mismong maintindihan ang sarili nya.
Masungit? SOBRA.
Madalas kapag sinusumpong sya, bigla na lang hindi mamamansin.
Moody? SOBRA.
Naku, ang lakas ng topak nyan, una, tatawa kasi masaya tapos bigla na lang magagalit at magtataray kung minsan naman bigla na lang iiyak at magsasabi ng problema. Pero alam mo, mas gusto ko kapag nagsasabi sya ng problema nya kasi hindi sya ung tipo ng tao na mahilig magsabi ng nararamdaman.
Mayabang? HINDI ah.
Marami kang tanong tungkol sa ugali nya, baka gusto mong malaman kung sino ba talaga si walked-out queen? Kasi mas magandang kilalanin muna ang isang tao bago natin xa husgahan.
Man-hater sya simula pagkabata. Bihira ang kaibigan nyang lalake. Halos lahat takot lumapit at makipag-usap sa kanya. Kilalang-kilala ko sya kaya alam ko ang dahilan at hindi ko pwedeng sabihin kung ano.
Tawagin natin syang walk-out queen kasi un din ang bansag sa kanya ng mga best friends nya. Naku, ung mga best friends nyang un ang mga natirang matibay sa ugali nya. Walk-out queen daw kasi kapag nainis sya bigla na lang aalis, kasi kapag tinopak at hindi gusto ang topic bigla na lang aalis, mahilig mang-iwan pero ayaw nang iniiwan. Hindi nga nya matanggap kapag may isang kaibigan nya na aalis at kinakailangang lumayo, kailangan pang umabot ng ilang araw bago nya maintindihan ang lahat.
Galing sya sa isang sirang pamilya. Magulo ang takbo ng buhay nya, sa sobrang gulo hindi na rin nya maintindihan. pero hindi nya gaanong inintindi ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang pamilya. Alam nyang kapag un ang inisip nya, magiging magulo lang lalo ang isip nya pero hindi maipagkakailang apektado sya sa emosyonal na aspeto.
May dumating sa buhay nya, isang lalaking nakapagpabago sa kanya. Nagawang baguhin ng lalaing un si walk-out queen, hindi na sya gaanong nagsungit. Natuto syang ngumiti at tanggapin ang lahat ng nasa paligid nya. Minahal nya ung lalake at alam nya na noon lamang sya napasunod ng kung sino at nakahanap ng katapat. Minsan lang sya nagmahal at alam nya ung minsan na un minsan lang talaga kaya sya na ang unang gumawa ng paraan. Nakahihiya at maaaring sa tingin ng iba ay kabaliwan at katangahan. Mahal na mahal nya ung lalake, ang kanyang first love na gusto rin sana nyang maging last love... pero hindi sya mahal nung lalake at iniwan sya.
Ang kabiguan nyang un ang nagpabalik sa kanya sa dati. Nasasaktan pa rin sya pero hindi pwedeng umiyak na lang sya palagi.
At yan ang buhay nya.
Teka, ayan na talaga sya.
Ayan na si walk-out queen...
Ayan na si...
ako.

Sunday, March 21, 2010
Bagong Sibol

BISYO NG ISANG BATA (may 8, 2008)
Bata, ano ang iyong ginagawa?
Bakit alak iyong tinutungga?
Bakit ang usok iyong binunuga?
“Di mo ba alam na ito’y masama?
Bunga ng alak may hilo at sakit
At sa usok na sa baga mo kakapit.
Bakit ba sa bisyo ka naaakit?
Ikaw lang din ang daranas ng pait.
Bata, ano ba ang iyong dahilan?
Bakit sarili ay pinabayaan?
Sana’y masamang bisyo ay iwan
Para sa magandang kinabukasan.
Buhay ng Tao (May 29, 2008)
Buhay ng tao sadyang nakalilito.
Bakit nga ba ganito?
Isip ko tuloy ay gulong-gulo
Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba
Parang gulong na paikot-ikot
Sadyang nakagugulo.
Bangungot (October 27, 2008)
"Tama na!" paimpit kong sigaw.
Humahangos akong bumangon mula sa aking higaan.
Paano ba naman kasi'y
Muli ko na namang naalala ang bagay na iyon.
Bagay na ayaw ko nang balikan
At nais nang kalimutan
Trahedya ng lumipas na mistulang kulungan.
Kaarawan at Pagtanda (January 25, 2009)
"Happy birthday" o 'di naman kaya'y "maligayang bati"karaniwan ko na itong naririnig sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Sa isang banda, nagkukubli ang isang tanong sa aking isipan, "masaya nga ba talaga ang pagsapit ng kaarawan?' kung ang kahulugan naman nito ay ang pagtanda ng isang tao.
Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan, hindi mahalaga ang ibnibigay na regalo ng mga taong malalapit sa aking. Kahit simpleng pagbati ay pinasasalamatan ko na, mahalaga'y naalala nila ang araw na ito.
Iniisip ko kung ano ba ang mga nagawa ko sa isang taong lumipas sa aking buhay. Mistulang bagong taon dahil binubuksan nito ang bagong yugto ng aking buhay, kinabukasan.
Mahirap maging matanda ngunit mahirap din maging bata.Nakallilito hindi ba? Ngunit mas mahirap kung matanda ka na ay ay isip-bata ka pa rin. Para saan nga ba ang kaarawan? Bakit mahalagang tumanda ka pa? kung maraming natatakot tumanda, bakit marami ang masaya sa tuwing sasapit ang araw na ito?
Marahil ay ganito...
Karaniwan nating maririnig sa mga artista "more birthdays to come" masaya sila sa pagtanda. Marami ring maysakit at taning na ang buhay na masaya sa kanilang kaarawan dahil nadagdagan pa ang kanilang buhay.
Kaya siguro sa pagsapit ng kaarawan ko, magpapasalamat ako sa Diyos dahil pinaraos niya ang isang taon sa buhay ko nang may kabuluhan. Hindi bale na ang regalo at handaan, dahil mahalagaay ang pag-alala lao na kapag tumatanda ka na.
*mga published work ko po sa tabloid na Pilipino Star Ngayon...
Kapirasong Tsokolate
Sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso o valentine’s day karaniwan nang nagbibigay ang kalalakihan ng bulaklak at sulat sa kanilang napupusuan. Makalilimutan din ba naman natin ang makahulugang tsokolate?
Aminin man natin o hindi ang tsokolate ay isa sa paboritong pagkain ng mga babae. Nakatutulong din itong patalasin ang isip ng tao. Ngunit, munting paalala; anumang sobra ay masama kaya dapat din tayong maghinay-hinay.
Hindi ko rin tuloy mapigilang magunita ang alaala ng isang pirasong tsokolate sa aking buhay:
Araw ng mga puso sa silid-aralan naming noon at abala ako sa paggawa ng isang takdang aralin na hindi ko natapos gawin sa aming bahay. Laking gulat ko nang tinawag ako ng aking mga kamag-aral dahil daw may naghahanap sa akin. Labis akong nagtaka at kinabahan.
Sumambulat sa akin ang lalaking nakilala ko dalawang buwan ang nakararaan mula ng araw naiyon. May inabot siya sa akin pagkatapos ay sinabing, “naalala kita kasi ikaw ang unang bumati sa aking sat et ng happy valentine’s day” nadismaya ako ngunit nasabik na buksan ang bigay niya.
Isang tsokolate, babyruth ang nakasulat sa wrapper kinain ko ito sa bahay at inignora ang kanyang sinabi. Mahalaga sa akin ang taong nagbigay sa akin ng kapirasong tsokolate noong araw ng mga puso kaya iningatan ko at itinago maging ang wrapper.
Anuman an gating kalagayan, palagi pa rin nating alalahanin ang pag-ibig at paggalang sa ating kapwa, araw man ng mga puso o hindi. Ano ang malay natin baka bigla lang tayong panain ng tsokolate ni kupido?

Batang Makulit...
Madalas itawag sa'kin...
Nino?ng isang taong...
Hinangaan ko...
At kalaunan ay pinahalagahan nang higit sa kaibigan...
Palagi ko raw kasing kinukulit.
Pinapaulanan ng mga text messages, missed calls, at comments.
Sa bawat paghingi ko ng atensyon mula sa kanya,
Ay ang pagtaboy at pag-aaral niya.
Hanggang sa naubos na ang pasensya,
Gamit ang 'social network' na friendster...
Na ginagamit ko rin naman sa pangungulit sa kanya,
Nagreact xa at nag-comment.
Nasobrahan nga ata ung sinabi niya.
Ayoko nang maalala...
Magkasundo na kami ngayon,
hindi man gaya ng dati.
Dahil hindi na ako ang batang makulit na namalimos ng atensyon niya
Ngunit siya pa rin ang "kuya" ko.

Alaala sa Science Lab.
Namuhi ako, sa isang taong inakala kong langit at buhay ko. Siya si "milky way" kamag-aral ko noong 2nd year High School. Sa labis kong pagkamuhi, nakagawa ako ng bagay na hindi kapani-paniwala.
Kunsabagay, kapag ang paghanga at pagkamuhi ay nagsama maaari talagang makagawa ng isang bagay na kahindik-hindik. Ninais kong mapagselos si 'milky way', para malaman kung gusto rin ba niya ako.
Pnagselos ko siya gamit ang isang tao, na itago na lang natin sa pangalang natin sa pangalang 'tezuka'. Kinuha ko ang cellphone number niya mula sa isang kaibigan. Dati ko siyang hinahangaan, kaya inakala ko na ayos lang kahit siya ang gamitin ko upang magselos si "milky way".
Nagkita kami ni "tezuka", ang lalaking sa bandang huli'y minahal ko, sa science laboratory ng aming eskwelahan. May kasama siya, si "young lady", ang sopistikadang babaeng lihim na mahal niya. Sa labis na kaba, hinila ko ang isang kamag-aral upang samahan ako.
Humanap ako ng tamang pagkakataon, may kausap siyang maliit na bata (anak marahil ng isang guro) labis niya itong kinagigiliwan habang nakamasid si "young lady". Pagkaalis ng bata, akmang tatayo na si "Tezuka" lumapit ako at tinanong kung kanya ba ang cellphone number na nakarehistro saaking cellphone. at, doon tinanong niya sa akin kung ako ba ang "makulit na batang" ka-text niya. Kinamayan niya ako tanda ng pagkakilala namin.
Masama ang tinging pinukol sa akin ni "young lady" at sa labis na galak at kaba na rin, bigla ko silang iniwan na dalawa hila-hila pa rin ang kamag-aral na sinama ko. At doon, nagsimula ang malabong takbo ng aking buhay. Nyarp!

Pag-asa mula sa wala
Hanggang kalian ba tayo dapat umasang gagantihan ang pagmamahal na inalay natin para sa isang tao? Paano kung sa isip mo’y nagawa mo na ang lahat ngunit para sa kanya’y hindi pa pala ito sapat? Hihigitan mo pa ba ang lahat para lang maging karapat-dapat?
Minsan sa aking buhay naranasan ko ang magmahal nang higit sa kaibigan. Ang una kong pag-ibig at sa kalauna’y nagnakaw ng aking kabataan dahilan para mawalan ako ng pag-asa at masira ang mga nasimulan ng isang tulad ko.
Dumating siya, o pinarating sa aking buhay at binigyan ako ng liwanag na may kasamang positibong pag-iisip. Ang lalaking pinapasaya ako kahit gamit lamang ang kanyang mga ngiti at kapag binigkas niya ang aking pangalan, pakiramdam ko’y nasa rurok na ako ng tagumpay.
Sa pagdating ng lalaking minahal ko nang husto, may kasama sya. Ang babaeng minahal nya na hinding-hindi ko maaaring maging kaibigan at mapapantayan sa puso nya. Ngunit, ang babaeng un, hindi nya pinahalagahan ang pagmamahal ng lalaking minahal ko nang husto.
Nagdusa ang lalaking mahal ko dahil sa sakit na dinulot ng mahal nya nang iwan sya nito. Naroon ako, upang damayan xa at bawasan ang kanyang kalungkutan. Kahit na maging tagapakinig lamang ako ng kanyang mga hinaing.
Sya ang nagbibigay ng lakas sa akin tuwing mahina ako. Kung sa nobelang sinulat ni Cristobal Cruz na ‘ang Tundo man ay may langit din’ si Victor ay natagpuan ang langit kay Alma . Ako naman ay sya ang langit sa mundong aking binuo.
Pagdating sa kanya. Hindi ako naging ‘showy’ bagkus sinasabi ko ang aking nararamdaman. Natatandaan ko pa nga nang ako’y magtapat sa kanya, tinugon lamang nya ito gamit ang salitang salamat. Hindi ako naghintay ng kanyang pagganti sa aking damdamin. Bagkus, pinili kong maging kami ay magkaibigan.
Sa kabila ng pagtitiis ko, nagawa nya pa rin akong iwan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang biglaan nyang pagkawalasa aking buhay. Ang masakit pa’y waring sya pa ang namuhi sa aking at sinabihan nyang ako ay panggulo lamang sa kanyang buhay. Labis akong nadaktan ngunit may bahid ng katotohanan ang kanyang tinuran.
Subalit, sa kabila ng kanyang ginawa, minamahal ko pa rin sya at hinahanap pa rin ng aking puso ang kanyang pagkalinga. Kaya, sa lahat ng nakakikilala sa amin, sa inyong palagay, dapat ba akong umasa na babalik ang nawala kong pag’ibig? Na mamahalin dinnya ako sa paraang gusto ko?

Subscribe to:
Comments (Atom)